Mga Magnanakaw ng Metro, Tiklo sa Old Cabalan!

Mga Magnanakaw ng Metro, Tiklo sa Old Cabalan!

Good news sa mga nanakawan ng kuntador ng tubig.

Tatlong kalalakihan ang naaktuhan na nagnanakaw ng metro ng tubig kaninang madaling-araw sa Barangay Old Cabalan. Sila ay nadakip at agad na dinala ng Old Cabalan BPAT sa Police Station-4 sa kalapit na barangay ng New Cabalan, kasama ang 15 kuntador na hawak ng mga suspek.

Agad na pumunta ang mga tauhan ng SUBICWATER upang pormal na masampahan ng kaso at masiguro na hihimas ng rehas ang mga naturang salarin

Sa aming mga kostumer na nabiktima nitong mga nakaraang buwan, maaari kayong magsampa ng reklamo sa naturang police station. Maari silang tawagan sa numerong 0998-5985-563.

Leave a Reply

Your email address will not be published.