ABRIL 24: Pormal nang idineklara ng Subic Water and Sewerage Co., Inc. (SUBICWATER) ang pag-iral ng Drought Condition-1 sa Lungsod ng Olongapo at sa Subic Bay Freeport Zone bunsod ng halos 12% na kakulangan sa suplay ng tubig.
Ilan sa mga agad na naapektuhan nito ang pinakamatataas at pinakamalalayong bahagi ng New Cabalan, Barretto, Kalaklan, at Gordon Heights.
Gayunpaman, malaking bahagi pa rin ng franchise area ang may 24/7 na suplay ng tubig, at may sapat pa na pressure na kayang magpaakyat ng tubig sa ikatlong palapag ng bahay (depende sa taas ng lokasyon). Upang malaman ang inaasahang water service levels sa inyong lugar, tingnan po lamang ang color-coded map sa post na ito.
Sa lahat ng customers, asahan na ang paminsan-minsang paglabo ng tubig dahil sa pabago-bagong pressure sa ating distribution system, lalo na sa umaga. Normal din itong nangyayari sa tuwing nagpipihit ng water valves ang mga tauhan ng SUBICWATER, na naglalayong maibahagi sa lahat ng costumers ang available water supply.
Maaaring maglagay ng malinis na tela sa mga gripo o di-kaya’y gumamit ng mga filtration devices upang masala ang mga mineral na sanhi ng water discoloration. Maaari ring patilain muna ang tubig sa malilinis na lalagyan upang mag-settle sa ilalim ang mga nasabing mineral at sediments at magamit ang malinaw na tubig sa ibabaw.
Bisitahin po lamang ang www.subicwater.com.ph upang makita ang mga scenario sa ilalim ng apat na drought condition na maaaring ideklara ng SUBICWATER. Maraming salamat po, at nawa’y mabiyayaan na tayo ng ulan sa lalong madaling panahon.
#DroughtMonitor2018
#DroughtCondition1
#SUBICWATER