Simula na ang Panahon ng Tag-init

Naramdaman na natin ang pagtaas ng temperatura ngayong opisyal nang idineklara ng PAGASA ang simula ng panahon ng tag-init.

Malaki na rin ang ibinagsak ng flow rate ng ating mga ilog kung kaya’t simula Abril 17, hihina ang pressure ng tubig ng 1-3 psi (pounds per square inch) sa mga barangay ng East Bajac-bajac, West- bajac Bajac, at Sta. Rita.

Pinapayuhan na po namin ang mga residente rito na lagi nang mag-imbak ng tubig sa malilinis at natatakpang lalagyan.

Manatili pong nakaantabay sa aming updates. Maraming salamat po sa inyong malawak na pag-unawa sa sitwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.